FAELDON, JR., NAKALAYA NA

faeldon jr

NAKALAYA na ang anak ni Bureau of Corrections (BuCor) Chief Nicanor Faeldon na si Faeldon, Jr., matapos idismis ang kaso sa paglabag sa Section 6 ng RA 9165 o ang maintenance of drug den.

Inaasahan umano ang paglaya ni Faeldon, Jr., na ayon sa live-in partner na si Russele ‘Bubbles’ Lanuzo ay walang sapat na basehan. Hindi naman nagbigay pa ng pahayag ang matandang Faeldon sa paglaya ng anak.

Sinabi ni Lanuzo na isang masayang regalo ngayong Pasko ang paglaya ng kanyang boyfriend na inaresto ng mga pulis nang isagawa ang drug raid sa kanilang bahay sa Naga City.  Bukod kay Faeldon, laya na rin sina Allan Valdez at Manuel Nebres na kasama sa mga nahuli sa nasabing operasyon.

9

Related posts

Leave a Comment