P1 ROLLBACK SA PETROLYO NGAYONG ARAW

oil

(Ni FRANCIS ATALIA)

MAAGANG aginaldo para sa mga motorista ang ipinatupad na malaking kompanya ng langis sa oil price rollback ngayong araw.

Simula kaninang alas-12:01 ng madaling araw at kaninang 6:00 ng umaga nagtapyas  ng halos P1 kada litro ng gasolina, diesel at kerosene ang mga kumpanyang Unioil, Seaoil at Phoenix Petroleum.

Samantala, posibleng umabot rin sa P1 ang ibabawas sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo ng Jetti Petroleum.

Sa inilabas na abiso ng kumpanya, nasa pagitan ng 85 centavos hanggang 90 centavos kada litro ang mababawas sa presyo ng diesel habang 80 centavos hanggang 85 centavos naman ang posibleng bawas sa kada litro ng gasolina.

Maari pa namang mabago ang nasabing presyo depende sa magiging resulta ng trading ngayong araw.

9

Related posts

Leave a Comment