GRADE 1 STUDENT PATAY, NANAY SUGATAN BUS

DEAD on the spot ang isang Grade one student habang malubha namang nasugatan ang kanyang ina matapos silang mahagip ng rumaragasang passenger bus noong Miyerkoles sa Maharlika Highway sa Barangay Tinambacan Norte, Calbayog City, Samar.

Ayon sa ulat ng Calbayog City PNP, patay ang anim na taong gulang na batang babae habang sugatan naman ang kanyang ina, kapwa residente ng Barangay Tinambacan.

Hawak naman ng mga awtoridad ang driver ng pampasaherong bus na nagmula sa Maynila at patungo ng Tacloban City.

Lumilitaw sa imbestigasyon, tinangkang tumawid ng bata na nakita ng kanyang inang kasalukuyang nagbabantay sa isang tindahan ng karne kaya mabilis itong tumakbo para iligtas ang kanyang anak.

Ayon sa pulisya, itinaas ng 25-anyos na ginang ang kanyang dalawang kamay para makita sila ng driver subalit atrasado na umano ang pagpreno ng driver kaya nahagip din ang mag-ina ng paparating na truck.

Agad isinugod ang ang mga biktima at dinala sa Saint Camillus Hospital sa Calbayog City.

Subalit sadyang patay na ang bata nang idating sa pagamutan habang nananatili sa ospital ang ina sanhi ng mga pinsala sa katawan. (JESSE KABEL RUIZ)

22

Related posts

Leave a Comment