HEPE NG GENSAN ITINURONG ‘LIDER’ NG PALUWAGAN SCAM

scampnp12

(NI JG TUMBADO)

LUMUTANG ang isang umano’y recruiter ng paluwagan scam at idinawit ang hepe ng General Santos City Police Office na umano’y lider ng Police Paluwagan Movement na nakapambiktima ng mahigit 500 pulis at sibilyan sa region 12.

Isang babaeng nagpakilalang Shiela Agustin ang nagsabing sangkot si General Santos City Police Office Director Senior Supt. Raul Supiter sa Plans Pro Matrix (PPM) na kalaunan ay pinalitan ang pangalan bilang Police Paluwagan Movement.

Ayon kay Agustin, may hawak umano siyang mga dokumento na magpapatunay na si Supiter ay dawit sa investment scam na halos lahat ng pulis sa GSCPO maging sa PRO12 ay nabiktima nito.

Ani Agustin, indi niya binubura ang record ng call logs sa kanyang cellphone ang mga tawag ni Supiter upang mag-update ito kaugnay sa malaking halaga ng pera na nakukuha sa scam.

Nabisto lamang anya ang scam sa PPM nang nalamang may nawawala nang malaking halaga ng pera kung kaya’t hinihinala nito na nagkanya-kanya nang kuha ng pera ang mga nasasangkot dito.

Mariin din na pinabulaanan ni Supiter na sangkot siya sa investment scam.

Nauna rito ay nagreklamo ang mahigit 500 pulis na nakadestino sa General Santos City Police Office (GSCPO) na umano’y nabiktima ng bilyong pisong scam na pinapatakbo mismo sa kanilang organisasyon.

Ang naturang scam ay ibinunyag mismo ni Police Regional Office 12 (PRO12) Director Chief Supt. Eliseo Rasco kung saan umaabot umano sa P1.99Bilyon halaga ng investment ang hindi na naibalik sa mga investors na pawang mga pulis sa rehiyon.

Sinabi ni Rasco na mismong sa loob ng Camp Fermin Lira sa General Santos City nagsimula ang investment scam na tinatawag na Paluwagan Movement kung saan ay kinukumbinsi umano ang mga mamumuhunang pulis na magkaroon ng 60% tubo sa loob lamang ng 15 araw habang 100% interest naman ang makukubra kada buwan.

Iginiit ng opisyal na hindi siya nagkulang sa pagpa payo at pagpapa alala sa mga kapwa niya pulis laban sa scam. Hindi umano nila inakalang mabibiktima sila sa nabanggit na scam dahil sila ay pulis.

 

 

 

 

151

Related posts

Leave a Comment