MALIBAN sa unang ginamit na improvised explosive device (IED), nakakita pa ng panibagong IED ang pulisya sa bahagi ng baggage counter sa ikalawang palapag ng South Seas Mall sa Lungsod ng Cotabato.
Ayon sa Cotabato City Police, ang unang IED na nasa kahon ay iniwan umano ng isang lalaki sa entrance ng mall na ilang minuto lang ay sumabog na.
Samantala, mula sa 32, umakyat na sa 34 ang bilang ng sugatan sa naganap na pagsabog habang dalawa ang kumpirmadong nasawi.
Ayon sa datos ng Philippine National Police (PNP), 10 sa sugatan ay pawang mga menor de edad.
270