JOLO BLAST ‘SUSPECTS’ PINALAYA NA

poi

NILINIS ng militar at ni Mayor Kherkar Tan ang pangalan ng grupo ng mga lalaking unang sinabing ‘persons of interest’ sa twin blasts sa Jolo cathedral nang lumutang at patunayang walang kinalaman sa pagsabog.

Ang mga ito ay nahagip ng CCTV na umano’y kahina-hinala ang pagkilos malapit sa pinagsabugan. Pawang mga estudyante habang ang isa ay teacher, ayon pa kay Tan.

Sinabi rin ni Col. Gerry Besana, public affairs officer ng Western Mindanao Command na ang apat na lalaki ay sumuko sa Sulu Provincial Police Office dahil sa takot sa kanilang kaligtasan.

Kinilala ng military ang dalawa na sina Alshaber Arbi, 18, grade 11 student sa Kalingalan Caluang National High School na nakita sa video na lalaking nakatali ang buhok habang si Gerry Isnajil ay teacher sa naturang eskuwelahan na nakasuot ng maroon na sombrero at may dalang backpack.

Sina Arbi at Isnajil ay dinala sa presinto ni Sulu Gov. Sakur Tan II at Kalingalan Caluang Mayor Peping Halun.

Dalawang lalaki pa sa video ang kinilalang sina Alsimar Mohammad, 24, at isang lalaki na hindi na pinangalanan sa pagiging menor de edad. Hiningi nila ang tulong ng isang barangay chair para linisin ang kanilang pangalan.  Si Mohammad at ang batang kasama ay bibili lamang umano ng gamot para sa may sakit na kaanak  sa Integrated Provincial Health Office nang maganap ang pagsabog sa Mt. Carmel Cathedral.

254

Related posts

Leave a Comment