ZOREN FEELING BINATA PA RIN KAY MINA

zoren200

SCENES(NI ROMMEL GONZALES)

DALAWAMPUNG taon na ang relasyon nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel.

Tinanong namin si Zoren kung ano ang sekreto at tumatagal ang kanilang pagmamahalan…

“Dapat kasi marunong…both parties ha… ‘yung give and take.

“At saka kanya-kanyang department ba. Kunwari department ng lalake ‘to, hayaan mong ‘yung lalake ang mag-decide, pag department ng babae, hayaan mong mag-decide ‘yung babae. Tapos kailangan meron talagang understanding, kasi ako pakiramdam ko binata pa din ako e, kaya hindi ako nahihirapan.”

Hindi siya nasasakal?

“Oo, pakiramdam ko binata ako dahil hindi ko kailangang magpaalam, hindi ko kailangan…”

Na may itago.

“One time meron akong project nun, pelikula, hindi lang natuloy, aba napunta ako dun sa mga…e kasi bar ‘yun e, so may eksena sa bar na babae maghuhubad, e tiningnan ko ‘yung dressing room nila, aba…dinala ako doon.

“E pagdating ko doon ang daming mga babaeng nagbibihis pala. As in, ha! E siyempre deadma-deadma ka na lang…

“Oo, pero ibig kong sabihin, sa ibang asawa ‘yan…’bakit ka pumunta sa …”

Away na?

“Oo. Ako naman, wala naman ako talagang malice, hindi naman talaga ‘yun ang pinunta ko, ‘yun naman ang ibig kong sabihin…”

At alam naman kasi ni Mina ‘yun.

“Hindi siya magagalit dahil alam naman niya na trabaho ang purpose ko, so ganun.”

Hindi selosa si Mina?

“Actually, selosa ‘yun, parang ako, seloso ako, selosa siya, pero parang wala namang dahilan para magselos, kaya hindi kami nag-aaway tungkol sa mga ganung bagay.

“Kunwari magba-bike ako, kasi ‘yung mga ibang kaibigan ko na nagsa-cycling nagpapaalam sa mga misis. Ako hindi, hindi ako maka-relate, ‘Magba-bike ka lang naman ah, hindi naman tayo magba-bike na may angkas na naka-bathing suit.’

“Ako magte-text lang ako, nag-bike ako. Kaya hindi ko rin…hindi ko rin maintindihan bakit kailangan…parang takot na takot nga, ‘Teka magpapaalam pa ako’, wala namang… ‘Mag-e-exercise nga tayo, e.’

Wala siyang boys night out?

“Hindi ako mahilig sa ganyan, e. Mas gugustuhin ko lang sa bahay, kaming apat [with kids Mavy and Cassy]. Pero minsan lumalabas din ako, pero seldom lang talaga, hindi palagi, mabibilang mo lang sa daliri mo.”

Samantala, mapapanood si Zoren ngayong Sabado bilang Aurelio sa Basta’t Kasama Kita episode ng Magpakailanman sa GMA kasama si Ashley Ortega bilang si Menchie, sa direksyon ni Jorron Monroy.

 

 

 

4

Related posts

Leave a Comment