MT. MAYON BUMUBUGA,YUMAYANIG MULI — PHIVOLCS

mayon1

DALAWANG pagbuga at anim na pagyanig ang naitala sa Mayon Volcano sa nakalipas na 24-oras, ayon sa Phivolcs, Biyernes ng umaga.

Ang dalawang pagyanig ay mag kaugnayan umano sa ‘phreatic eruption events’ na naganap alas-8:11 ng umaga noong Huwebes at alas-6:27 ng umaga ng Biyernes.

Nagkaroon din ng mga pagbuga ng bato o fair crater glow sa tuktok ng bundok sa gabi.  Mananatili ang Alert Level 2 sa Mayon Volcano at nangangahulugan ito ng ‘moderate level of unrest.’

Magkakaroon din ng mga maliliit na pagsabog, pagragasa na lava at pagbuga ng abo na makaaapekto sa publiko sa bandang itaas at gitna ng dalisdis ng Mayon.

195

Related posts

Leave a Comment