NAGKAKAPE ITINUMBA NG MOTORCYCLE RIDER

CAVITE – Hindi na naubos ang hinihigop na kape ng isang lalaki nang pasukin ito ng suspek at pagbabarilin sa loob ng kanyang bahay sa bayan ng Naic sa lalawigan nitong Lunes ng madaling araw.

Namatay noon din ang biktimang si alyas “Carlito” dahil sa tama ng bala sa katawan.

Tinutugis naman ang suspek na si alyas “Marvin” na tumakas lulan ng kanyang motorsiklo.

Ayon sa ulat, nagkakape ang biktima sa loob ng kanilang bahay bandang alas-2:00 ng madaling araw nang sumulpot ang suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima na nagresulta sa agaran nitong kamatayan.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek sakay ng kanyang motorsiklo patungo sa hindi nabatid na direksyon.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kaso habang nagsasagawa ng backtracking sa CCTV para sa pagkakakilanlan ng suspek. (SIGFRED ADSUARA)

37

Related posts

Leave a Comment