OFW DESK BUKAS SA BAWAT PNP STATION SA CENTRAL LUZON

OFWS44

(NI AMIHAN SABILLO)

NAGLAGAY ng overseas Filipino workers (OFW) ang bawat himpilan ng pulisya sa bahagi ng Central Luzon para sa mas mabilis na pagresponde sa mga reklamo na may kinalaman sa mga OFW.

Ito ang inihayag ni PRO 3 Regional Director B/Gen. Rhodel Sermonia, Anya, inilunsad ng Central Luzon ang pagtatag ng OFW desk, bilang tulong sa DILG, OWWA at POEA.

Nakatuon ito sa pagprotekta sa mga OFW  maging sa kanilang pamilya pagdating sa ibat ibang krimen gaya ng fraud, terrorism at illegal drug abuse ng mga transnational crime syndicates.

Sa kasalukuyan, iilan pa lang ang may OFW desks pero target itong itatatag sa lahat ng police stations regionwide.

Matatandaan na bago nito, may ilang OFW desks na rin na itinayo sa ibat ibang bansa sa inisyatibo naman ng mga LGU.

173

Related posts

Leave a Comment