P500K ‘BAYAD’ SA REBELDE NG MGA ELECTION BETS

npa20

TUMATARA umano ang mga rebeldeng New People’s Army ng hindi bababa sa P50,000 at hanggang P500,000 sa mga kandidato para sa kanilang ‘permit to campaign’ o ‘permit to win’ para sa election period sa lugar na kanilang nasasakupan.

Ayon sa kumpirmasyon ni Lt. Col. Jones Otida, commander ng 27th Infantry Battalion ng Philippine Army, sinusubukan umano ng mga rebelde na humingi ng naturang halaga para makapangampanya ang mga kandidato sa kanilang teritoryo.

Ang naturang halaga ay bukod pa umano sa extortion money na inihihihirit ng mga rebelde sa mga negosyanteng kadikit ng mga kandidato.

Sa mga tumatakbong konsehal ay tumatara ang mga ito ng hindi bababa sa P50,000 habang nasa P100,000 naman ang mga tatakbong alkalde.

Ang mga tatakbong senador ay hindi bababa sa P500,000 higit kung papasukin ng mga ito ang balwarte ng mga rebelde.

Pinaalalahanan naman ng military ang kandidato na huwag padala sa mga rebelde at sundin ang kautusan ng DILG na huwag suportahan ang alinmang kilusan ng mga ito.

 

 

161

Related posts

Leave a Comment