P9-B PONDO NG REBELDE GALING SA MGA POLITIKO — ARMY

npa22

LEGAZPI CITY – NASA P7-bilyon hanggang P9-bilyon umanong extortion money na nakolekta ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa rehiyong Bicol, ayon kay  9th ID spokesperson Col. Paul Regencia.

Ang nasabing ‘pondo’ umano ng mga rebelde ay galing sa ilang politiko at pribadong indibidwal na sumusuporta sa kilusan ng mga rebelde mula noong 2017 hanggang 2018.

Kasabay nito, kakasuhan na umano ang ilang lokal na opisyal na mapatutunayang sangkot sa pagsuporta sa mga rebelde matapos mapasakamay na ang mga pangalan ng CPP-NPA supporters.

Ibinunyag pa ng opisyal na isang hindi na pinangalanang opisyal sa Quezon province ang sinampahan na ng kaso dahil sa pagsuporta umano sa rebeldeng grupo.

Nauna nang sinabi ni Interior Sec. Eduardo Año na nasa 349 local executives ang nagbabayad ng campaign fees at sumusuporta sa mga rebelde sa pamamagitan ng pagbibigay ng extortion money.

Nakatakda rin umanong ilutang ang mga pangalan ng mga ito.

84

Related posts

Leave a Comment