PRANGKISA NG BUS SA NLEX TRAGEDY SINUSPINDE

nlex32

(NI JESSE KABEL)

IKINASA na ngayon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang suspensiyon sa prankisa ng kumpanya ng bus na nasangkot sa malagim na aksidente Biyernes ng gabi sa kahabaan ng Northern Luzon Expressway saklaw ng Valenzuela City na ikinasawi ng walo katao.

Ayon sa LTFRB, papatawan nila ng preventive suspension ang kumpanya at pansamantalang pipigilin ang operation ng Buenasher Transport hanggat hindi natitiyak ang kaligtasan ng kanilang mga units at ng kanilang mga mananakay.

Bunsod ito ng naganap na sakuna na kinasangkutan ng isa sa kanilang mga bus na nagresulta ng kamatayan ng walo katao .

Sinabi ni LTFRB chairperson Martin Delgra III na ang preventive suspension laban sa nasabing bus company ay nararapat upang maisaayos ang iba pang units nito.

Sinabi rin ng opisyal na dapat sagutin ng Buenasher Transport ang gastusin para sa mga namatay at sugatang pasahero sa aksidente.

Agad namang tumugon si Roberto Biardo, operations manager ng Buenasher Transport Corporation at sinabing sagot ng insurance ang mga gastos sa ospital ng mga biktima at lahat ng pasahero nila ay may automatic na insurance.

Magbibigay din ng tulong ang kumpanya sa iba pang biktima.

Lumilitaw sa imbestigasyon na bandang alas-7:00 ng gabi nitong Biyernes nang biglang nawalan ng kontrol ang tsuper sa manibela ng bus na may plakang plakang AGA 8610 sa Northbound lane ng NLEX patungong Sta. Maria Bulacan.

Makaraan itong sumalpok  sa road barrier ay pumihit ang bus papunta sa Southbound lane na nagresulta rin sa pagsisikip ng trapiko sa magkabilang panig ng expressway. Nadamay din sa aksidente ang isang Sports Utility Vehicle at isang pick-up truck.

183

Related posts

Leave a Comment