7 PULIS SA INDISCRIMINATE FIRING MANANAGOT

firing

MANANAGOT ang pitong police personnel na inaresto dahil sa indiscriminate firing sa pagsalubong ng Bagong Taon, ayon kay PNP chief Director General Oscar Albayalde.

Sinabi ni Albayalde na haharap sa strict administrative sanction ang pitong pulis na kabilang sa 23 katao na inaresto sa illegal discharge ng baril noong Pasko hanggang Bagong Taon. Tiniyak ni Albayalde na ipatutupad ang batas laban sa mga iresponsableng gun owners ngunit tiniyak din na dadaan ang mga ito sa tamang proseso.

7

Related posts

Leave a Comment