Suspek pumalag, patay sa parak 15-ANYOS GINAHASA, BINAGSAKAN NG BATO

COTABATO CITY – Patay ang isang 15-anyos na dalagita na hinihinalang ginahasa at binagsakan ng bato sa mukha ng suspek na miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPAT), sa Brgy. Sumbac, Kidapawan City sa lalawigan noong Lunes.

Wasak ang mukha at halos hindi na makilala ang biktimang si alyas “Dawn” nang matagpuan sa tabi ng ilog.

Napag-alamang nasa lugar ang dalagita para manguha ng mga gulay.

Ayon sa Kidapawan City Police, ang suspek na si Eric Lim, BPAT’s member ng kanilang lugar, ay namatay makaraang manlaban umano sa mga awtoridad nang ito ay aarestuhin.

Nabatid sa ulat, bago ito napatay, inamin ng suspek ang krimen matapos unang maaresto ng mga barangay tanod malapit sa crime scene.

Hindi raw nito alam ang kanyang nagawa dahil lasing siya nang mangyari ang insidente.

Ngunit habang nakaposas ito para dalhin sa presinto, bigla umano ito nang-agaw ng baril at nanlaban kaya nabaril ng mga pulis na agad nitong ikinamatay. (NILOU DEL CARMEN)

23

Related posts

Leave a Comment