TUMANGGI SA SEX SINAKSAK SA LEEG

LAGUNA – Sinaksak ng isang lasing na  lalaki ang kanyang babaeng katropa na tumangging makipagtalik sa bayan ng Sta. Cruz sa lalawigang ito, nitong Linggo ng gabi.

Nilalapatan ng lunas sa pagamutan si Renzy Calasicas, 27, sanhi ng mga tama ng saksak sa leeg at kamay.

Nahaharap sa kasong frustrated homicide at attempted rape ang suspek na si Arlan Tarañaz, 48, na mabilis tumakas kaya’t pinaghahanap ng mga pulis.

Batay sa report ng Sta Cruz Police, bandang alas-6:30 habang nagpapahinga sa kanyang bahay sa Barangay Bagumbayan ang biktima nang dumating ang lasing na si Tarañaz na walang walang kaabog-abog ay biglang inaya ang dalaga na magtalik sila sa loob ng bahay.

Mabilis na tumanggi ang babae na ikinagalit ng suspek dahil napahiya raw siya.

Bigla na lamang umanong nagbunot ng kutsilyo ang suspek at sunod-sunod na inundayan ng saksak ang biktima. (NILOU DEL CARMEN)

 

123

Related posts

Leave a Comment