TINATAYA sa P2 bilyon ang napinsala ng bagyong ‘Usman’ kung saan umaabot sa 126 katao ang nasawi at 60 ang sugatan, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Umaabot naman sa 140,105 pamilya o 624,236 indibidwal – sa Calabarzon, Mimaropa, Bicol, at Eastern Visayas Region – ang apektado ni ‘Usman’ kung saan 13,135 pamilya ang nasa evacuation center at 22,633 pa ang nasa ibang kalinga. Pininsala rin ni ‘Usman’ ang 6,005 bahay at sumira ng 114 kalsada at tatlong tulay.
Sa mga apektadong tulay at kalsada, 87 nang kalsada at isang tulay ang maaari nang daanan. Tinataya naman sa P2,073,518,500 ang pinsala ng bagyo. Sumita ang bagyo ng agrikultura ng halagang P758,649,858.45.
198