VOLCANO MONITORING STATION ITINAYO SA TAAL LAKE

phivolcs

(NI JEDI PIA REYES)
NAITAYO na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang kauna-unahang ibinabaon o borehole volcano monitoring station malapit sa bulkang Taal sa Batangas.

Ang nasabing seismic monitoring facility ay maituturing umanong moderno o state of art at gumagana sa pamamagitan ng araw o solar.

Ayon kay DOST Undersecretary for Disaster Risk Reduction and Climate Change at Phivolcs Executive Director Renato Solidum Jr., bagamat maliit lang ang Taal Volcano ay isa ito sa pinaka-aktibong bulkan sa bansa na posible pa ring sumabog.

Sinabi ni Solidum na ang inilagay na monitoring station sa Taal Volcano ay malaking bagay upang mapaghandaan ang posibilidad na magalit ang nasabing bulkan.

Pero kaya rin aniya ng naturang borehole seismometer na i-monitor ang maliit o malaking mga bulkan gayundin ang mga pagyanig na dulot ng paggalaw ng fault at trench sa loob ng nasasakop na lupain at anyong tubig sa Pilipinas at maging sa mga kapitbahay na bansa.

Sinabi naman ni Maria Antonia Bornas, Chief Science Research Specialist ng Phivolcs, bagamat mayruon nang seismic observation stations sa bansa, ang bagong naitayo sa Taal ay may kakayahan na mai-convert ang electrical signals mula sa seismometer o sa instrument mismo.

142

Related posts

Leave a Comment