CATRIONA ‘OVERWHELMED’ SA SALUBONG NG PINOY

catrionagray

(PHOTO BY EDD CASTRO)

SINABI ni 2018 Ms Universe Catriona Magnayon Gray na hindi niya inaasahan ang mainit na pagtanggap sa kanya  ng mga kababayan sa ikalawang homecoming parade na ginanap sa Cubao Quezon City, Sabado ng hapon.

Sinabi ni Catriona na lubos-lubos ang kanyang pasasalamat sa mga tagahanga at supporters na matiyagang naghintay sa init ng araw para lamang makita siya.

“Oh my gosh, talagang naiiyak ako kanina. Thank you so much. What an amazing turnout,” she said after the two-hour motorcade,” sabi ni Catriona.

“It makes my heart so, so full to see all of you come out to wait for a couple of hours just to celebrate with me. Maraming salamat po sa inyo.”

Suot ang berdeng jumpsuit, naglibot si Catriona sa paligid ng Araneta sakay ng isang float.

Nitong Biyernes nang isagawa ang unang motorcade ng Bicolana beauty mula lungsod ng Pasay hanggang lungsod ng Makati na tumagal ng mahigit apat na oras.

97

Related posts

Leave a Comment