WAREHOUSE NA GUMAGAWA NG PEKENG YOSI NI-RAID

fake yosi

(NI DAHLIA SACAPANO)

DALAWANG warehouse sa San Simon, Pampanga ang iniimbestigahan ngayon ng Bureau of Customs Port of Clark matapos makitaan ng makinarya na gumagawa ng sigarilyo.

Walong imported na cigarette-making machine ang nakita ng mga autoridad sa loob ng warehouse na ito.

Sa pangunguna ni Enforcement Security Service (ESS) Director Felimon Yogi Ruiz at kinatawan ng Port of Clark tinungo nila ang Global Aseana Business Park at San Simon Industrial Park, San Simon Pampanga kasama ang dalawang letter of authority na may lagda ni Commisioner Rey Guerrero para magsagawa ng paunang imbestigasyon.

Bago pa man ito ay nakipag ugnayan na ang ahensya sa Philippine National Police (PNP) at sa opisyal ng barangay para sa gagawin nilang operasyon dito.

Nagsimula ang kanilang imbestigasyon nang makatanggap ng report na mayroong warehouse sa nasabing lugar na gumagawa ng mga pekeng sigarilyo gamit ang mga orihinal na raw products.

Kaya naman ng tinungo nila ang lugar at nakita nila ang walong bagong makinarya na ayon kay Ruiz ay kayang gumawa ng 400 master cases of cigarettes o 4,000,000 milyong sticks ng sigarilyo kada araw.

Dagdag pa nila dalawang linggo pa munang sumailalim sa surveillance ang nasabing warehouse bago ang aktwal nilang operasyon dito.

Naka-padlock na ang nasabing warehouse at hinihintay na lamang nila ang warrant of seizure and detention na manggagaling sa District Collector of the Port of Clark.

Ang mga warehouse at mga makinarya na ito ay isasailalim na mas malalim na imbestigasyon na gagawin ng Bureau of Customs.

 

5

Related posts

Leave a Comment