PULIS BAWAL NA TUMAMBAY SA MGA PCP

pulis

POSIBLENG mabuwag na ang mga Police Community Precinct (PCP) ngayong nakatutok ang pamunuan ng pambansang pulisya sa police visibility upang maagapan ang posibleng krimen.

Matatandaang kabilang sa tagubilin ni PNP Chief General Nicanor Torre lll, na hindi kailangang manatili sa mga PCP ang mga pulis kundi nasa kalye.

Ayon sa hepe, mas mainam kung sa lansangan mananatili ang kapulisan sa halip nakatambay sa mga Police Community Precinct.

Sinang-ayunan naman ito nina Police Brigadier General Bonifacio Guzman at NCRPO Chief Police Major General Anthony Aberin.

Bukod dito, pinaboran din ang walong oras na lamang na duty ng mga pulis at ang pagpapatupad ng 3-5 minutong pagresponde sa krimen.

“Dapat may sapat na pahinga ang pulis para hindi kayod kalabaw,” ani Torre.

(RENE CRISOSTOMO)

49

Related posts

Leave a Comment