Pwersa ng pulisya sa Pili, CamSur dinagdagan ni Estomo SPIT BINUO SA ANDAYA AMBUSH

AGAD ipinag-utos ni PNP Police Regional Office Director P/BGen. Jonnel C. Estomo ang pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon hinggil sa tangkang pananambang ng riding in tandem kay former Camarines Sur 1st District Representative Rolando Andaya Jr. sa bayan ng Pili sa lalawigang ito.

Ayon sa ulat, si Andaya ay minamaneho ang kanyang sasakyan sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Palestina nang dikitan at pagbabarilin ng riding in tandem bandang alas-5:45 ng umaga noong Martes.

Mapalad na hindi nahagip ng mga bala ang dating majority floor leader ng House of Representatives.

Kaugnay nito, ipinag-utos ni Estomo ang ang paglikha ng isang Special Provincial Investigating Team upang tukuyin ang motibo sa tangkang paglikida sa dating mambabatas at kilalanin ang utak sa likod nito.

“Tayo po ang nag-deploy na ng karagdagan pulis sa lugar upang alisin ang pangamba sa ating mga kababayan na naroon,” ani P/BGen. Estomo.

“Makakaasa po kayo na kami ay makikipagtulungan sa mga witness at mga local government official ng Camarines Sur upang mapabilis sa pagtukoy at pagresolba sa insidenteng ito,” aniya. (JESSE KABEL)

209

Related posts

Leave a Comment