CAVITE – Hindi nakapalag ang 20 hinihinalang tulak ng ilegal na droga nang arestuhin ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito, nitong Miyerkoles ng madaling araw.
Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), isinagawa ang buy-bust operation dakong alas-5:30 ng hapon noong Martes hanggang alas-3:30 ng madaling araw nitong Miyerkoes sa tatlong lungsod at apat na bayan ng lalawigan.
Tig-apat na hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang nadakip sa Lungsod ng Imus, Bacoor at Cavite habang tig-tatlo sa Kawit at Naic, at tig-isa naman ang Alfonso at Amadeo. (SIGFRED ADSUARA)
192 