Ni Ann Esternon
Kapag hindi nakayanan ang sakit sa isang relasyon posible kang bumitaw.
Kung lumulutang lang sa hangin ang relasyon o hindi na alam kung nasaang estado na ito, aayaw ang isang tao ngunit maghihintay ito ng closure mula sa kapartner.
Sense of finality ang katumbas ng closure para sa marami. Pakiramdam kasi ng naghihintay ay para siyang kaluluwang hindi matahimik.
Nangangailangan ng pag-uusap kung maaayos pa ba o hindi na ang isang relasyon. Kapag wala nang patutunguhan ang relasyon, ang simpleng pormal na pamamaalam ang higit na inaabangan.
Ang closure ay hindi laging present sa isang relasyong nagtatapos o tapos na. Hindi porke nasaktan at bumigay ka na ay makakaasa ka ng pormal na pag-uusap sa minamahal mo. Kung hindi na siya nakikipag usap sa iyo, kung lumayo na siya, kung sobrang nahihirapan ka na, ang closure na hinihintay mo ay sa iyo na dapat magsimula.
Self-respect. Lagi kang magtitira nito.
Closure pa ba? Move on na.
