(NI ROSE PULGAR)
MAY ipatutupad na rollback sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Subalit, Sabado ng hapon ay pinangunahan na ng Phoenix Petroleum Philippines ang rollback na nasa P0.35 kada litro ang bawas sa presyo ng gasolina at P0.45 naman sa diesel na epektibo Linggo ng alas-6:00 ng umaga.
Sa pagtaya ng Department of Energy (DOE) ang diesel ay nasa P0.50 hanggang P0.55 kada litro, gasolina P0.40 hanggang P0.50 kada litro habang sa kerosene ay P0.50 hanggang P0.60 kada litro.
Tuwing araw ng Martes ipinatutupad ng mga kompanya ng langis ang oil price adjustment.
Ayon sa DoE , ang ipinatupad na bawas presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigan pamilihan
Samantala, may inaasahan ding may bawas -resyo sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa pagtatapos ng buwan.
Good news sa mga ina ng tahanan at mga consumers, inaasahan sa Hunyo 1 ay may malaking bawas sa presyo ng LPG na nasa P6.40 sa presyo kada kilo o P70.40 na bawas presyo sa bawat 11 kilogram na tangke nito.
Subalit, may pagbabago pa ito pagdating ng Mayo 31 final contract price.
Sa ngayon, nasa mahigit $100 na ang ibinagsak sa contract price ng LPG sa world market.
