BILANG selebrasyon ng FATHER’S DAY, isinagawa ang SAKSINGAYON SUMMER SAYA, KASAMA ANG PAMILYA!” noong Hunyo 14, 2025.
Isang malaking tagumpay ang SAKSINGAYON SUMMER SAYA, KASAMA ANG PAMILYA!” na ginanap sa CARIBBEAN WAVES WATER PARK RESORT sa Mahabang Parang, Sitio Abo, Pulong Sampaloc, Dona Remedios Trinidad, Bulacan.
Dakong alas-8 ng umaga nagsimula ang fun activities na kinapalooban ng iba’t ibang palaro tampok ang SAKSINGAYON TEAM at iba pang mga bisita sa CARIBBEAN WAVES WATER PARK RESORT.
Tuwang-tuwa ang mga bisita sa resort dahil unang beses daw silang nakaranas ng ganitong mga aktbidad, lalo mula sa nirerespetong pahayagan sa bansa na SAKSINGAYON at maging sa CARIBBEAN WAVES WATERPARK RESORT.
Nagpapasalamat ang pamunuan ng SAKSINGAYON sa CARIBBEAN WAVES WATER PARK RESORT, mga bisita nito at lahat ng mga nakiisa sa SAKSINGAYON SUMMER SAYA, KASAMA ANG PAMILYA!
Salamat din sa iba pang sponsors– HOTEL SOGO, MAYNILAD, GO HOTELS, MANGO LOCO, KAMAY NI NANAY, AQUA SWEET, at EVER BILENA– dahil naging posible at memorable ang SAKSINGAYON SUMMER SAYA, KASAMA ANG PAMILYA!
(JOEL O. AMONGO)
