SENADO MAY 39 AKTIBONG KASO NG COVID-19

KINUMPIRMA ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na nasa 39 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Senado habang 168 empleyado nito ang kasalukuyang naka-quarantine.

Sinabi ni Sotto na marami sa mga apektadong empleyado ay mula sa Bills and Index at sa kanilang 32 empleyado, 20 ang naka-quarantine kung saan 10 na ang nagpositibo.

Kaugnay nito, inaprubahan ng mga senador ang rekomendasyon ng Senate Medical Office na bawasan pa ang mga empleyado na papayagang pumasok araw-araw.

Sa rekomendasyon, mula sa 50 percent, gagawin na lamang 20 percent ang mga papayagang makapasok.

Sinabi ni Sotto na mas hihigpitan pa nila ang ipinatutupad na health protocols sa gusali upang maiwasan pa ang pagkalat ng virus. (DANG SAMSON-GARCIA)

170

Related posts

Leave a Comment