SENIOR CITIZEN DEDBOL SA BUNDOL

CAVITE – Patay ang isang 63-anyos na senior citizen na nagbibisekleta nang bundulin ng isang motorcycle rider sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito.

Bago sumuko sa pulisya, dinala muna ng motorcycle rider na si Nestler Palmer, 39, isang machine operator, ng Villa Apolonia, Naic, Cavite, sa ospital ang biktimang si Eduardo Corpuz, may asawa, ng Block 28, Lot 13, Phase 2, Springtown Villas, Brgy. Bucal, Tanza, Cavite.

Sa ulat ni Corporal Nikko Paul Barranco ng Tanza Police Station, minamaeho ng suspek ang kanyang motorsiklo habang binabagtas ang Brgy. Sahud Ulan ng naturang bayan dakong alas-10:30 noong Martes ng umaga.

Ngunit nabundol nito ang biktimang nagbibisekleta na agad niyang dinala sa pagamutan ngunit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas. (SIGFRED ADSUARA)

137

Related posts

Leave a Comment