UMAPELA ang administrasyon ng University of the East (UE) sa kanilang mga estudyante na maging kalmado makaraang maalarma kaugnay sa 2019 Novel Coronavirus.
Ayon sa UE Dawn, student publication ng nasabing unibersidad, wala pang kumpirmadong kaso ng 2019 nCoV sa kanilang paaralan ngunit may isang estudyante ang isinailalim sa Person Under Investigation (PUI) para sa nasabing sakit.
Nabatid na ito umano ay isang senior high school student na ini-admit at isinailalim sa quarantine sa University of the East Ramon Magsaysay Memorial Medical Center Inc. (UERMMMCI).
Sanhi ng nabanggit na balita na kumalat sa campus, nagsimula nang maalarma ang mga estudyante.
Bigo naman ang UE management na magbigay ng anumang karagdagang komento kaugnay sa nabanggit na insidente. (RENE CRISOSTOMO)
