KAHIT limang oras na naghintay ang mga fans ni megastar Sharon Cuneta ay okay lang sa kanila.
Punung-puno pa rin ang Alex Theatre sa Glendale, California noong March 30, 2019 ng gabi.
Ganoon kahibang ang mga fans o sabik lang makadaupang-palad ang nami-miss nilang idol.
Willing naman ang mga fans na maghintay dahil well-advised naman sila sa delay ng flight ni Shawie mula sa Canada. Ito ang advisory sa mga friends and fans na bumili ng ticket:
“To All Sharon concert production staff, and friends: Advisory: Sharon’s flight from Canada is getting delayed. (Air Canada has grounded their 737 Max 8’s). She’ll arrive late. The show will start at 8:30 pm. Please spread the word. Sharon.”
Sinundan ito ng: “New Update: Concert will start at 7:30 and gate opens at 6:30”
Hindi po nagkatotoo ang mga announcements. Past 11 pm na nagsimula ang show. Pero jampacked pa rin ang Alex Theatre. Marami ang sabik na makahalubilo si Sharon. Miss na miss nila ang pagkanta niya nang live ng mga hit songs niya.
Sing-along ang mga kababayan natin sa mga “national anthems” na “Sana’y Wala Nang Wakas,” “Bituing Walang Ningning,” “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko,” “Maging Sino Ka Man,” atbp.
Sabik nga ang mga Shawie fans.
Andaming willing na magbayad ng $150 para lang marinig at maka-selfie siya.
Yayamanin much ang mga Sharon Cuneta fans sa California!
Tsika ng mga kaibigan namin sa Canada. Ganoon din kapuno ang mga venues na pinagdausan ng North America Tour ng My 40 Years Sharon show.
KIM CHIU GAHAMAN
O PROFESSIONAL LANG TALAGA?
Kung si Sharon ay na-delay ang flight, si Kim Chiu ay caught in the traffic mess of Metro Manila.
Kamakalawa ay papunta ng event si Kim Chiu sa Makati nang inabutan siya ng traffic jam. Hindi nga gumagalaw ang trapik.
Ano ang gagawin ni Kim Chiu, ibabalik sa events organizer ang naibayad na sa kanya? Magpapahabla?
Ayaw ni Kim na masira sa mga kausap ng management team niya. Kaya hayun, nag-jog siya papuntang venue.
Ilang kilometro din ang tinakbo niya.
Lalo siyang sumeksi. Haha!
Nang nasa venue na siya sa Makati ay tapos na ang dapat na number niya. Inabutan lang niya ay ang finale ng event.
Considerate naman ang may pa-show kaya pinagbigyan nila si Ms. Kim Chiu.
Lesson ito sa mga artista natin nationwide: Kapag sa ‘Pinas, laging i-consider ang traffic mess sa ating bansa.
Kung sa abroad, let the technology do the talking!
138