70s SEXY ACTRESS ALONA ALEGRE PUMANAW NA

ALONA ALEGRE

(Ni BEN BAÑARES)

PUMANAW kahapon ng 12:58 a.m. (December 9) ang 1970s sexy actress na si Alona Alegre. Pitumpong taon na siya.

Ashtma at cardiac arrest ang sinasabing dahilan ng pagkamatay niya.

Maria Lourdes Salvador sa tunay na buhay ni Alona. Isa siya sa maraming anak ni Lou Salvador Sr., sikat na basketball player noong 1920s at naging actor-director-talent manager simula noong 1930s.

Ang kanyang ina ay ang dating LVN actress na si Inday Jalandoni. Pero, marami siyang kapatid sa ama (102 ang sabi ng iba). Sumabak din sa pag-aartista ang ilan sa mga ito.

Kabilang dito sina Lou Salvador Jr., Leroy Salvador, Mina Aragon, Ross Rival, Juan Miguel Salvador, Emil Salvador, Jumbo Salvador at Phillip “Ipe” Salvador.

Noong 1955 nang magsimula ang acting career ni Alona.

Seven years old lang siya noon nang maging child star sa pelikulang Tagapagmana ng LVN Pictures.

Nakaburol ang kanyang mga labi sa Marian Memorial Chapel sa Marcos Highway, Antipolo City.

5

Related posts

Leave a Comment