AIZA, PAPAYAG BANG MAGBUNTIS?

AIZA-LIZA

KAY daming projects ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ngayong 2019. Kick-offWHATTA MEL nito ang gaganaping 3rd Film Ambassadors Night ngayong gabi (February 10, Sunday) sa Samsung Hall ng SM Aura sa Taguig City.

Meron pang Pista Ng Pelikulang Pilipino (September), may film lab workshops, events ng kanilang partnerships and collaborations sa iba pang ahensiya, etc.

Sa dami ng FDCP events, paano na ang planong pregnancy ng chairperson nitong si Liza Diño-Seguerra?  Ikinasal si Liza (same sex marriage) sa Amerika kay Ice Seguerra, na mas kilala ng publiko bilang si Aiza.

Sabi ni Chair Liza, sa December ngayong taon pa naman pala ang nasabing plano, kung kaya’t early next year na ang kanyang pagbubuntis. Ang process na ito ay tinatawag na “in vitrio fertilization.” Ano nga ba ito?

“There are three phases na pinagdadaanan namin ni Ice right now,” saad ni Liza.

“’Yung first stage is ‘yung ma-harvest ‘yung egg (cells) niya. Dahil it’s DNA, egg cell na ‘yung gagamitin.  ‘Yung next phase is, we found a sperm donor.  And the sperm donor, ita-transport ‘yung vial na ‘yun para ma-fertilize ‘yung egg sa Malaysia.

“Ang implantation, we’re deciding kung dito gagawin o sa Malaysia.  ‘Yung pinaka-fertilization ang pinaka-complicated.”

Nakahanap na nga raw sila ng isang anonymous na sperm donor sa isang website, at nakaplano na ang lahat sa mangyayaring process. Kamukha raw ng Hollywood actor na si Liam Hemsworth, six footer, at blue-eyed!

“Chef-musician siya, summa cum laude, he’s into music, he plays a lot of instruments, tapos, he loves to cook.  So, food for the soul!”

Ayon kay Liza, hindi nila puwedeng ma-meet in person ang nasabing lalaki, para na rin daw sa kapakanan ng kanilang magiging anak in the future.  Ang dream naman talaga nila ay si Ice ang maging ama, siya ang ina, at maging kapatid nito ang panganay ni Liza sa una nitong mister.

Nagbibigay rin sila ng impormasyon at inspirasyon sa ibang lesbian couples.

“I really want this to be an experience namin as a family, adding children.  I think, at this day and age, parang hindi na rin siya malaking issue,” aniya.

Pero may tsika na kung sakaling maging high-risk raw ang pagbubuntis ni Liza, totoo bang payag si Aiza na ito ang magdalantao?

“One time, nag-usap kami.  Sabi ko sa kanya, ‘Love, what if, halimbawa, high risk ‘yung pregnancy ko?’ Sabi niya, parang… of course, hindi natin ma-imagine, ‘di ba? Hahaha!” malakas nitong tawa.

“Pero ang sabi niya, ‘The only time that I will do it is if your pregnancy is high risk.  I will not allow that you will go through that (kung high risk).’  But of course, it’s important na magka-baby.”

So, kung magkaganoon man, willing magbuntis si Ice?

“We will cross the bridge when we get there! Hahaha! Grabe! Hahaha!  Hindi siya okey sa idea, pero willing siya to take  the risk if it endangers my health. That’s our last resort!” natatawang banggit ni Liza. (WHATTA MELL! / MELL T. NAVARRO)

6

Related posts

Leave a Comment