ANDI EIGENMANN: ‘GOODBYE SHOWBIZ’ NA NGA BA?

Mukha namang maligaya si Andi Eigenmann at no regrets ngayong nasa ika-14 weeks na angEXPRESS LOGO copy ipinagbubuntis niya sa kanyang surfer BF na si Philmar Alipayo na nakilala niya sa Siargao. Marami lang ang nanghihinayang dahil magpapahinga na naman siya sa showbiz.

Ang anak niya kay Jake Ejercito na si Ellie ay 7 years old na ngayon kaya okey lang na masundan na ito. Nag-post pa si Andi sa kanyang IG na no matter what, mahal na mahal pa rin nya ang panganay na anak.

Parang pinapangatawanan na ni Andi ang sinabi nya noon na magki-quit na sya sa showbiz. Parang personal choice na niyang mamuhay ng normal – away from showbiz – at piliing maging ina.

Now that she’s pregnant nga, ayun at mukhang magtutuloy-tuloy na ‘yung “press release” niya noon na “goodbye showbiz” na. Kaya? Tingnan natin…

Kahit ang ina pala ni Andi na si Jaclyn Jose ay hindi na s’ya mapigilan kapag na-in love. Grabe din kasing magmahal noon si Jaclyn. Kaya naman todo suporta si Jaclyn kay Andi gaya noong naunang nabuntis ito.

Kung may mga nagtataas ng kilay kay Andi, mayroon din namang nagwi-wish na sana daw this time, natagpuan na ni Andi ang man of his dreams at forever na ang pagsasama nila.

oOo

Angelika dela Cruz and Sunshine Dizon

Singer ang role ni Sunshine Dizon sa “Inagaw na Bituin” kaya kinailangan nyang mag-aral kumanta. Si Angelika Dela Cruz ang mahigpit niyang karibal bilang singer-recording artist at pati sa lalake.

“Actually, konting practice lang ang kailangan ko kasi noon naman kumakanta na ako, noong nasa ‘That’s Entertainment’ pa ako, at ka-loveteam ko si Polo Ravales. Yes, sing kami ni Polo, at dahil maraming raket, nahasa na kaming kumanta sa mga ganap noon.

“Mabenta po kami noon sa mga shows sa mga probinsya. Ang weekends po namin ay nasa mga out-of-town shows kami,” tsika ni Sunshine sa panayam sa kanya sa presscon ng naturang programa.

Si Marvin Agustin ang lalaking pag-aagawan nila ni Angelika na kapwa biglang nawala sa presscon kaya hindi sila nainterview ng press. Ayaw na kaya ni Marvin sa one-on-one interview at ayaw nang matanong ang kanyang pribadong buhay?

Aba, he should be thankful na hinahanap pa rin sya ng press! Ibig sabihin nun, interesado pa rin kami sa kanya. O baka naman totoo ang tsikang yumabang na ito simula nang magkaroon ng mga restaurant?

Pati naman itong si Angelika ay nakisama pa. Tila umiiwas ang dalawa sa press na dati-rati naman ay friendly at accomodating sa media. Ano kayang problema nung dalawa? Ayan tuloy, sila ang pinag-uusapan ng ilang press people pagkatapos ng presscon. At nega ang tsika about them, huh!

Anyway, sa February 11 na magsisimula ang “Inagaw Na Bituin” sa GMA Afternoon Prime drama kapalit ng “Ika-5 Utos” na nagtatampok kay Kyline Alcantara sa una niyang pagbibida sa telebisyon. (EXPRESS / RONALD M. RAFER)

 

20

Related posts

Leave a Comment