ALEX AT TONI, SINAGOT ANG TUMAWAG SA KANILANG ‘MALNOURISHED’

Sa Instagram post ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga, isang netizen ang nag-comment sa larawan nila ng,

“Para kang malnourish…..u need to eat more! Health before wealth.” Unang sumagot si Toni. Sinabi nitong “payat talaga genes namin. Di kami tabain.” Sinabi ng netizen na hindi naman payat ang parents nila. Ipinagtanggol ni

Alex ang ate niya: “vegetarian nga sya eh.” Tungkol sa comment tungkol sa parents nila, ito ang sagot niya: “huy syempre matanda na sila pag nakita mo ang daddy nung kabataan nya ganyan din.”

Kuha ang larawan sa isang endorsement event nila sa Marikina City.

171

Related posts

Leave a Comment