ALEX GONZAGA PUMALIT SA ENDORSEMENTS NINA BEA, NADINE

PETERLEDESMA(NI PETER LEDESMA)

PANAHON talaga ngayon ni Alex Gonzaga. Sikat sa kanyang Vlog na nasa  second year na.

Walang episode si Alex na flop. Lahat ay  matataas ang views at maraming sponsors.

Kasi maliban sa very entertaining ang comedienne/host ay ginagastusan talaga niya ang sariling vlog lalo na kapag nagso-shoot siya sa abroad. Sa kasikatan ng nakababatang Gonzaga maging ang CEO ng ABS-CBN na si Ma’am Charo Santos ay naengganyong makipag-collab sa kanya. Pati siManila Mayor Isko Moreno at Raffy Tulfo. Kaya’t maging ang mga advertising agency ay si Alex rin ang paborito nilang kunin

ngayon. Yes kaliwa’t-kanan ang product endorsements ngayon ni Alex kabilang na ang JAG Jeans. Siya na rin ang pumalit sa matagal ng ineendorso ni Bea Alonzo na Secosana Bag at Nails Glow ni Nadine Lustre. Bukod pa rito ay may ilan pang naka-line-up na endorsements ang dalaga ni Mommy Pinty.

May movie rin si Alex sa Viva Films kung saan si Xian Lim ang kanyang kapartner. Patok pa rin hanggang ngayon sa YouTube ang “Chambe” ni Alex G na meron ng 27 million views and still counting.

 

155

Related posts

Leave a Comment