“ANG PROBINSYANO” CONTROVERSY: COCO MARTIN AT PNP CHIEF NAG-SET NG MEETING

Dahil sa pagpuna ni Philippine National Police chief Oscar Albayalde at DILG Secretary Eduardo Año sa teleseryeng Ang Probinsyano,  marami ang tumutuligsa sa kanila ngayon. Kasama na dito ang MTRCB, si Vice Ganda, at mga grupo ng artists.  Sa kanyang appearance kamakailan sa Legazpi City, ipinakita rin ng fans ni Coco ang kanilang suporta sa kanya at sa naturang teleserye. Nangako rin si Coco sa mga fans niya na “Walang iwanan.”

Sabi ng supporters ng teleserye, hindi daw dapat nakikialam ang kapulisan at gobyerno sa palabas na ito dahil ito’y fiction o kathang-isip lamang. Ang dapat daw nilang inaatupag ay ang peace and order at ang paghahanda sa nalalapit na midterm elections.

Sabi ni Vice Ganda: ““Palabas lamang ito at may disclaimer naman lagi na hindi ito nagre-represent sa kung ano mang ahensya ng gobyerno. Ito’y palabas lamang, istorya – kathang-isip.” 

Sa palagay naman ng kumakampi kay Albayalde at Año, unfair naman daw kasi ang portrayal ng ilang pulis sa teleserye. Masyado raw silang nailalagay sa “bad light.”  At may negative effect daw ito sa morale ng police force.

Dumating pa sa puntong tinanggal na ng PNP ang support nito sa Ang Probinsyano. Ibig sabihin, binabawi na nila ang assistance na ibinibigay nila sa production team ng teleserye na ginagamit nito sa production: patrol cars, firearms, personnel, venues, atbp.

At kamakailan lang, nagpahayag pa nga ang DILG na magsasampa sila ng kaso laban sa producers ng show kung magpapatuloy ang mga ito sa kanilang “grossly unfair and inaccurate portrayal of our police force.”

Sa gitna ng mga alingasngas na ito, nakatakda pa ring mag-usap next week sina Coco at si Albayalde para pag-usapan ang mga isyu ng magkabilang panig.

Sinabi ni PNP Spokesman Chief Supt. Benigno Durana Jr. kahapon (November 19) sa isang press briefing na: ““Tinanggap na ni Chief PNP ang request ni Cardo [or] Coco Martin sa isang meeting. Alam ko sa Monday. Tinanggap na ni Chief PNP iyon para pag-usapan ‘yung mga detalye ng aming cooperation so that we will probably, hopefully, we can arrive at a situation where [we can be] mutually beneficial to both parties.”

230

Related posts

Leave a Comment