ANGEL TINABUNAN ANG BARRETTOS

olea(NI JERRY OLEA)

LAST  year, itinanghal na best actress sina Ai-Ai delas Alas at Pokwang (a.k.a. Marietta Subong) para sa magkaibang indie filmfest. Wagi si Ai-Ai sa Cinemalaya para sa School Service, at panalo si Pokwang sa QCinema para sa Oda Sa Wala.

This December, parehong may entry sina Ai-Ai at Pokwang sa forthcoming 45th Metro Manila Film Festival.

Si Ai-Ai, co-star nina Coco Martin at Jennylyn Mercado sa 3pol Trobol (Huli Ka, Balbon). Si Pokwang, kasama nina Vic Sotto at Maine Mendoza sa Mission: Unstapabol (The Don Identity).

Silang dalawa kaya ang magkakalaban sa pagiging best supporting actress ng MMFF 2019?

###

Masayang-masaya si Hashtag Kid Yambao sa pag-amin nina Vice Ganda at Ion Perez ng kanilang pagmamahalan.

Bilang anak-anakan ni Vice, matagal nang inuusisa ni Hashtag Kid ang kanyang Meme Vice, “Ma, sino ba talaga ang tatay ko?!”

Sa grupo ng Hashtags, si Kid ang unang kumausap kay Ion.

“Bago pa lang si Ion sa Miss Q&A noon, lagi siyang mag-isa. Mag-isa siya sa dressing room,” kuwento ni Hashtag Kid sa presscon ng pelikulang Two Love You.

“Lagi ko siyang nakikita. Hanggang sa isinasama ko siya sa laro, sa basketball.”

Nasaksihan ni Hashtag Kid ang pagiging seryoso at maalaga ni Ion kay Vice. Alam niyang hindi ito lolokohin o huhuthutan ni Ion.

Kaya dapat daw ay siya ang best man ‘pag kinasal ang dalawa. Otherwise, magtatampo siya.

Anyway, sa pelikulang Two Love You ay mala-Ion & Vice ang relasyon nina Winston (karakter ni Hashtag Kid) & Reggie (karakter ni Lassy Marquez).

Ang talap-talap ng dating ni Hashtag Kid sa trailer ng nasabing movie, na bida rin si Yen Santos, at ipalalabas sa November 13.

Hirit ni Lassy, hindi lang dakila si Hashtag Kid, kundi tigasin pa at mahilig mangadyot!

###

Kapuri-puri si Angel Locsin.

Bagyo man, giyera o lindol, nagsasadya siya sa Mindanao para magpaabot ng tulong.

“Tinabunan ni Angel pansamantala ang isyu ng mga Barretto,” sabi ng katotong Ogie Diaz sa programa niya sa DZMM.

Si Manila Mayor Isko Moreno, nag-donate ng P5M para sa Cotabato earthquake victims.

Iyong P3M ay galing sa pag-eendorso niya ng C-Lium ng Pascual Laboratories, at iyong P2M ay mula naman sa pagiging endorser niya ng Belo Medical Clinic ni Dra. Vicki Belo.

Si Ormoc City Mayor Richard Gomez,  ipinadala sa Cotabato ang kanilang Ormoc Rescue Team — ambulansya, Boom truck na may lifter, truck at van — para makatulong sa recovery operations.

“So far, si Mayor Goma lang nagpadala ng rescue team sa Cotabato,” komento ni Apet Roa Nuñez.

 

117

Related posts

Leave a Comment