ANTON DIVA AT STRAIGHT BF, MAGPAPAKASAL BA?

anton12

SCENES(NI ROMMEL GONZALES)

Hindi raw makakalimutan ni Anton Diva noong bigyan siya ni Regine Velasquez-Alcasid ng minus one ng mga kanta ng Asia’s Songbird.

“Priceless yun! Kasi hindi iyon available sa market.”

Malaking bagay iyon para kay Anton na kilalang impersonator ni Regine.

Magkaibigan rin sina Anton at Vice Ganda kaya natanong si Anton kung nakilala na niya si Ion Perez na rumoured boyfriend ni Vice.

“Na-meet ko si Ion nung Valentine concert, he was there backstage.”

Sinabi ba ni Vice na boyfriend nito si Ion?

“Hindi ko talaga alam na there’s something special.”

So ngayon ba ay official na ang relasyon ng dalawa?

“Ayokong magsalita!”

Wala raw sinasabi sa kanya si Vice kung karelasyon na nga ito si Ion o hindi.

“Basta masaya siya, masaya siya. Masaya siya sa kung ano’ng merong lovelife ba siya ngayon.”

Sa tingin ba niya ay seryoso na sina Vice at Ion?

“Sana naman seryoso na ito talaga. Kasi deserve niya ng magkaroon ng somebody na puwede niyang ipagmalaki, ipakilala sa lahat, na wala siyang itinatago.”

Parehong guests sina Regine at Vice sa Anton Diva: SHINE XXII AD concert ni Anton sa June 15 sa Cuneta Astrodome.

Ang concert ay direksyon ni Peter Serrano at produced ng Teri Onor Entertainment Services o TOES ni Teri Onor.

Samantala, may karelasyong straight guy si Anton na hindi taga-showbiz. Ilang taon na sila?

“Matagal na po.”

May plano ba silang magpakasal, since may mga lugar na legal na ang same-sex marriage?

“Hindi namin napag-uusapan.”

Private person ang boyfriend ni Anton kaya umiwas itong magdetalye tungkol sa kanilang relasyon, basta hindi raw ito bisexual, may trabaho ito at tanggap sila ng pamilya ng bawat isa.

“Graduate siya, ako nga hindi graduate!”

Hindi raw si Anton ang nagpaaral sa BF niya, mga kapatid raw ni Anton ang pinag-aral niya.

Undergraduate ng kursong Electrical Engineering si Anton sa De La Salle University.

Hindi raw niya kinayang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho bilang stand-up comedian at singer/impersonator ni Regine.

Trivia pa pala ni Anton, noon (2004) ay isinadula sa “Magpakailanman” sa GMA ang life story niya.

“Ang gumanap si Cogie Domingo. Hindi ako, kasi nga hindi po ako umaarte.”

242

Related posts

Leave a Comment