ARCI MUNOZ BISITA SA BAHAY NG SRI LANKAN PRESIDENT

arci15

EXPRESS LOGO copy(NI RONALD M. RAFER)

NAPAKASIPAG mag-promote ni Piolo Pascual ng Kuya Wes na magkakaroon ng celebrity screening on March 12 sa Trinoma Cinema 7. May “pakulo” pa s’ya na puwede siyang maka-date on that day na siyempre ay may mga susunding mechanics na nasa IG n’ya na @piolo_pascual.

Isa sa mga producers si Piolo ng pelikula under Spring Films na nag-produce din ng super mega blockbuster hits na Kita Kita nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez. May naka-line-up ng pelikula ang dalawa at dinig namin ay sa abroad ulit ang shooting nila.

Bakit naman hindi sisipagin si Piolo, eh, nakaisa na ang movie nila sa international filmfest. Nanalo si Ina Raymundo ng best actress sa 39th Fantasporto-Oporto International Film Festival in Portugal; naka-tie niya si Ai Ai delas Alas para naman sa School Service.

Hindi lang ang pelikula ang nagustuhan ng mga nakapanood nito sa Cinemalaya last year at sa advance screening nito sa UP Cine Adarna, kundi pati na rin ang mga performances nina Ogie at Ina. Si  Ogie nga ay pinuri nang todo matapos ang advanced screening sa UP Cine Adarna. “Pang-best actor!,” sabi ng mga nakapanood. Si James Mayo ang direktor ng pelikula.

Sana ay kumita ang pelikula dahil totoong maganda ang story nito. Bago rin kay Ogie na first time nag-drama. Nakakaka­ba kasi dahil bukod sa Alone/Together ay wala pang ibang kumitang pelikulang Filipino simula nang pumasok ang taon.

# # #

Marami na ang nakaka-miss kay Arci Muñoz na nasa Sri Lanka ngayon. Nakita namin sa post niya sa Instagram na kasama niya sa larawan ang president ng Sri Lanka na si Maithripala Sirisena.

Nakalagay sa caption ng photo na nagpapasalamat siya sa pagtanggap sa kanya ng presidente sa tahanan nito.

“Uhm… it’s not everyday that you get to be welcomed by the President of Sri Lanka in his country and in his home and be in a Sri Lankan news. Thank you to His Excellency President Maithripala Sirisena for your hospitality. An experience I will cherish in my entire existence. I am humbled, hehehe,” sabi ni Arci.

Mistulang diyosa si Arci habang katabi nito ang presidente at ang misis nito. Mala-Muslim inspired ang suot ni Arci na lalong nagpalutang sa kagandahan niya.

Sa isang larawan naman na kasama pa rin niya ang presidente at mga kasama nito, ang caption naman na nilagay ni Arci ay, “Sa Ngalan ng Sining.”

Tila kabilang si Arci sa mga binigyan ng parangal ng Sri Lanka President dahil sa isang larawan kung saan may iniabot na statue sa isang lalake, nakasaad sa photo ay; “President offered a Special Memento to Philippine artist.”

Bongga!

 

61

Related posts

Leave a Comment