ARRON WALANG SAMA NG LOOB KAY EX-GF NEW DARNA

olea(NI JERRY OLEA)

TWO years nang loveless si Arron Villaflor mula nang mag-break sila ng bagong Darna na si Jane de Leon. Naba-blind item na heartbroken pa rin si Arron kay Jane, kaya nang makita namin ang Kapamilya actor sa Xmas party ng Kapuso Foundation last Sunday ay inurirat namin siya kung maaaring linawin niya iyon.

May sama ba siya ng loob kay Jane!

Magiliw na tugon ni Arron, “Wala! Wala! Basta ako,  masaya para sa kanya ngayon. Matagal na rin niyang hinihiling iyong break na ‘yon. So ngayon, dumating na.”

Magkaibigan pa rin sila?

“Oo naman.”

Syanga pala, tuwang-tuwa ang breast cancer patients na kinantahan ni Arron ng Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko at Prinsesa.

“Pasensya na po kayo sa boses ko, sinisipon ako,” mapagkumbabang pasubali ng binata.

Sa Xmas party na ito ay nagbigay ng P200,000 ang Beautederm CEO na si Ms. Rhea Tan, at may padala pa itong Beautederm products. Dumalo rin ang first brand ambassador ng Beautederm na si Alma Concepcion, na nagpa-raffle ng cash.

Nag-share din ng blessings sina Liza Soberano, Enrique Gil, Dimples Romana, Mel Martinez, Niño at Sandro Muhlach, Art Tupaz, Joel at Anna Fernando ng Fersal Hotel, Rene at Abe Turingan, Joven Pascua, Jona Jane Quitan, Erickson Raymundo, Katt Cruz, Tom Tom Avan, Patrick Reyes Pascual, Kristianne Pascual, Boss Kim, Jhack de Leon Alacbay, Chad Kinis, Marie Marquez, Sunita G. Chanduma, Vivina Teodoro, Bento Cruz ng Lugaw Republic, Marie Michelle Sunio, Neil Flores, at ang bakasyunistang si Oliver Carnay na US$200 ang ibinigay.

Salamat po sa inyong lahat! Nawa’y lalo pa kayong pagpalain ng Panginoon!

***

Bongga ang word-of-mouth sa Unbreakable! Kaya in 5 days (Miyerkoles-Linggo, November 27 to December 1) ay umabot na sa P56.9M ang kinita sa takilya ng movie nina Bea Alonzo, Angelica Panganiban at Richard Gutierrez.

Box office hit, as expected! Inasahan nating sa 18 Pinoy films na nag-open nitong November, ito ang pinakamalakas.

Kung anu-ano ang pautot ng ibang local movies. Kuda nang kuda, ang daming hanash pero hindi masabi kung naka-magkano na ba sila sa takilya. Iyong iba, nagpa-padding pa, kaya natatawa na lang ang showbiz insiders!

Siguradong lalampas sa P100M ang gross ng Unbreakable. More and more ang block screenings nito, at raratsada pa ang international screenings.

So far, six movies this year ang lumampas sa P100M-mark — Hello, Love, Goodbye ng KathDen, Alone/Together ng LizQuen, The Panti Sisters, Eerie, #Jowable at Just A Stranger.

Ayon sa Wikipedia, ang Clarita ni Jodi Sta. Maria ay naka-P70M. Malakas na iyon, huh?!

Iyong Unforgettable ay naka-P49M daw, samantalang iyong Isa Pa, With Feelings ay naka-P45M.

Ang mga ito ang pinakamalalakas na local films this year, so far.

This Wednesday magso-showing ang indie films na Mañanita at Love Is Love. Hopefully eh malampasan nila ang kinita ng Adan at Damaso na parehong na-Frozen.

NASA BEACH RESORT NIYA SI GLAIZA KAYA WALA SA LUNA AWARDS

Nasa Baler, Aurora pala si Glaiza de Castro last Sunday kaya hindi siya naka-attend sa 37th Luna Awards, kung saan siya ang tinanghal na best actress for Liway.

May beach resort doon si Glaiza. Basta may oras, nagtutungo siya sa Baler para masubaybayan ang mga kaganapan doon.

LAMANGAN TO DIRECT THE QUEENS FOR iWANT

Ngayong first week of December nakatakdang mag-start ng shooting si Direk Joel Lamangan para sa iWant digital series na The Queens.

Originally titled ang series na Pamilya Beauty Queen. Eh may dinirek nang Kapuso teleserye si Direk Joel na Beauty Queen (Oktubre 2010-Pebrero 2011) starring Iza Calzado.

Baka isipin ng fans at fantards na iyong Pamilya Beauty Queen eh sequel ng Beauty Queen. Idagdag mo pang si Direk Joel din ang nagdirek ng Kapuso teleserye ng Pamilya Roces.

Basta, Tito KC, kaabang-abang itong The Queens na tungkol sa pamilya ng mga beauty queen.

Please! Hindi iyon inspired ng pelikulang Reyna: ang makulay na pakikipagsapalaran ng mga achucherva, achuchuva, achechenes… (2006) na pinagbidahan ni Keanna Reeves, sa direksyon ni Soxie Topacio.

 

91

Related posts

Leave a Comment