BACK-TO-BACK WIN FOR PINAS? HUHUSGAHAN NA SI GAZINI

ronnie(NI RONNIE CARRASCO)

SA araw kung kailan ipinagdriwang ng mga Katoliko ang Immaculate Concepcion (December 8) huhushagan ng buong mundo ang tsansa ng ating pambato sa Miss Univese na si Gazini Ganados.

This year, sa Atlanta (kabisera ng Georgia) idaraos ang taunang pageant na hudyat ng pagtatapos ng one-year reign ni Catriona Gray.

Kung si Arnold Vegafria ng Miss World Philippines ang tatanungin, nangangabog nitong mga huling taon ang mga Asian beauties kabilang ang kinatawan ng ‘Pinas. Arnold sees a potentially fierce winner in Michelle Dee (anak ni Melanie Marquez by her former partner Derek) for the much-coveted Miss World crown.

And if this is a general impression, mukhang mangangabog si Gazini among more than 80 hopeful candidates.

In fairness, matunog ang ating kinatawan as it has always been the case mula noong time ni Venus Raj who finished fourth runner-up. Nagkasunud-sunod na kasi ang mga pambato natin making it to the finals.

Markado na ang December 8 sa kalendaryo ng sankabaklaan, with the entire local gay community eager to see kung anong ‘walk’ naman ang pauusuhin ni Gazini that will go down in the history of local pageants.

Lava walk ang kay Catriona inspired by her flaming red gown na may mataas na slit, ano naman kayang ‘natural occurrence’ ang kay Gazini?

ANG LADY BOSS NA GINAGAWANG TAU-TAUHAN NG KOMPANYA

Kulang-kulang isang taon na lang—before she reaches her retirement age—ang ipagtitiis ng isang lady TV executive sa kompanyang pinaglilingkuran niya nang napakahabang panahon.

By “napakahaba,” we mean just that. Hindi lang isa o dalawang dekada, but all her lifetime. Isama na rito ang long years ng kanyang dedikasyon at loyalty. And yes, ang kanyang buong pagkatao.

For years now, hindi na umano challenging ang kanyang mga tungkulin sa kumpanya bagama’t napakataas ng kanyang posisyon.

Sa loob ng mga taong ‘yon ay dalawa lang ang napaka-boring na demands of her work. Kung hindi siya nasa loob ng kanyang opisina ay uma-attend na lang siya ng mga meetings.

Matagal nang ganito ang daily grind sa buhay ng lady boss, kulang na lang ay tanggalan siya ng papel base sa kanyang designation.

Ang ‘ika nga’y straw that broke the camel’s back ay nang ilihim sa kanya ang foreign trip ng produksiyon para magtanghal. Kasado na pala ang petsa ng naturang biyahe, na natuklasan na lang niya by sheer surprise.

If it’s any consolation, the lady boss finds solace in the company of her industry friend. Kabilang siya sa isang binansagang grupo which meets on a regular night, isang gabing punumpuno ng walang humpay na tsikahan with a little booze on the side.

Sa grupong ito madalas niyang ihinga ang kanyang sama ng loob sa kumpanya whose members have ears to listen with empathy and compassion.

Next year ay madaragdagan na naman ang kanyang edad. She’s looking forward to retiring from a world she has embraced and loved perhaps more than her life.

Mind you, kung sisipatin ang itsura ng lady exec, her looks betray her age. Walang indikasyon na isa na siyang senior citizen.

143

Related posts

Leave a Comment