BAGONG DARNA JANE DE LEON, INUULAN NG PAPURI AT INTRIGA

(NI RONALD M. RAFER)

DAHIL  pinag-uusapan at wala nang makakapigil pa sa pagsikat niya, inuulan na ng intriga ang bagong Darna na si Jane de Leon. Dahil sa simpleng gandang Pinay na Pinay, doon sumentro ang mga mahihilig mang-intriga.

Retokada, suplada, feeling sikat kung umasta at iba’t iba pang bashings ang ipinupukol sa kanya.

Dedma lang si Jane habang puspusan na ang training niya for Darna. Ang alam lang niya, lumobo nang husto ang IG followers niya.

Ang mga fans niya ang sumasagot sa mga bashers niya. Unang-una, walang pinabago si Jane sa mukha niya. Walang dagdag-bawas sa anumang parte ng katawan niya. Pala­ngiti si Jane at magalang itong humaharap sa mga supporters niya.

At tahimik nga lang siya kapag nasa shooting o taping. Pero ‘pag kinausap naman ay sumasagot siya. Focused siya sa work at bawat trabahong ibigay sa kanya, she gives her 100%.

Masaya si Jane dahil kaagad na binati siya ni Angel Locsin (ang may K sa lahat ng nag-Darna) pati na rin si Kathryn Bernardo na nagsabing bagay siya as Darna. Nakasama ni Kathryn si Jane sa “La Luna Sangre” at alam niyang magagampanang mabuti ni Jane ang Pinay superhero.

Sa mga papuring tinatanggap niya, mula sa mga kasamahang artista, balewala na kay Jane ang ilang “tira” sa kanya. Nagpapasalamat na lang siya sa mga ito at sa mga fans, pamilya, kaibigan at kakilala na naniniwala sa kanya at naghahangad na magtagumpay siya at maging isang malaking artista.

                                                                                   ###

Nagsimula nang gumiling ang kamera para sa napaka-exciting na pelikulang Love Is Love mula sa RKB Productions. Exciting dahil bago ang concept at story ng pelikula na ididirek ni G. B. Sampedro.  Naka-second day na sila.

Kakaibang rom-com at nakakabaliw ang twist ng story na sinulat ni Ces Santiago na former editor namin sa GASI Publications.

First time na magsasama-sama sina  JC de Vera, Jay Manalo, Marco Alcaraz, Raymond Bagatsing at si Roxanne Barcelo sa isang pelikula. Kasama rin si Rufa Mae Quinto na super kwela sa role niya bilang babaing baklang bff ni Roxanne. Magdyowa naman sina Jay at Raymond at macho-gay naman si Marco. Secret muna ang role nina JC at Roxanne.

Plano raw na isali ito sa MMFF 2019. Kapag napili ito, tiyak na may tulog ang ibang mga kalahok.

Anyway, bidang-bida si Roxanne sa pelikula at perfect na perfect siya sa kanyang kakaibang role. Masaya si Roxanne sa storycon kaya hindi mahahalatang kamamatay lang ng tatay niya. After ma-cremate ang ama sa Amerika ay umuwi siya rito para sa showbiz commitments niya.

In fairness, tumawag ang ex-bf niyang si Will Devaughn upang magpaabot ng pakikiramay. Naging malapit si Will sa tatay niya dahil napakabait daw nito. Sabi ni Roxanne, Will will always have a special place in her heart kahit nagtapos na ang relasyon nila. They remained friends though.

Kinikilig siya kay JC na  super guwapo raw at mabait. Single si Roxanne, pero may mga nagpaparamdam – mga bagets daw. Natatawa siya dahil akala raw ng mga bagets ay bagets pa rin siya dahil sa natural niyang ganda na parang hindi tumatanda.

125

Related posts

Leave a Comment