BAGONG SERYE NG KATHNIEL, PINAGAGANDA PA

(NI BOY ABUNDA)

TIYAK na matutuwa ang mga tagahanga ng tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil sa isang bagong teleserye na pinaghahandaan ng dalawa. Mapapanood sa susunod na taon ang bagong proyekto ng KathNiel.

“May project na parating, siyempre very excited sa ihahandog naming next. Kami rin ay very excited, it’s been a long time. Excited din kami sa istorya nang gagawin namin. Ngayon pa lang siyempe happy rin kami para sa kanila (mga tagahanga ng KathNiel),” nakangiting pahayag ni Daniel.

Siniguro naman ni Kathryn na dapat pakaabangan ang kanilang bagong programa na magpapakilig at kapupulutan ng aral ng mga manonood. “Medyo matagal kasi naghintay din sila. Sabi nga namin hintay pa nang konti. ‘Yung hinahanda namin as in pinapaganda pa ng Dreamscape din para maganda nating simulan ‘yung 2020. We are very excited. So konting hintay na lang, babalik na kami sa TV,” pagbabahagi ni Kathryn.

Samantala, kamakailan ay nagbukas na ang negosyong barber shop ng magkasintahan sa isang mall. Para kina Daniel at Kathryn ay kailangang makapagpundar habang mga bata pa para sa kanilang kinabukasan. “Dream naman naming dalawa ‘yon ever since na magka-business kaming dalawa, kailangan eh for future investments,” giit ni Daniel.

May ilang branches na ang KathNails na pagmamay-ari ni Kathryn. Marami na ring branches sa bansa ang Queen Mother Salon na pagmamay-ari naman ng ina ni Daniel na si Karla Estrada. Para kay Kathryn ay personal na gusto talaga ni Daniel ang pagkakaroon ng sariling barber shop kaya naipundar ng magkasintahan ang Barbero Blues. “Si DJ expertise niya ang buhok. I think ‘yun ‘yung perfect business na si DJ din ang face ng Barbero Blues kasi very particular siya sa hair. Parang after ng KathNails, make-cater mo rin ‘yung mga lalaki this time,” pagtatapos ng dalaga. -Reports from JCC-

 

 

83

Related posts

Leave a Comment