BAKIT PINA-BLACKLIST SA PINAS SI MOTHER SITANG?

(By ROMMEL GONZALES)

Nagsimula sa 2 million, naging 8 million — hanggang sa umabot sa 20 million baht! Umabot nga sa halagang yan ang naunsiyaming manager/talent agreement sa pagitan nina Wilbert Tolentino at Thai internet sensation Mader Sitang.

Matatandaang noong October 20 (last month) ay dinala ni Wilbert sa Pilipinas ang social media sensation at transgender woman mula sa Thailand na si Sitang Buathong o mas kilala bilang Mader Sitang para sa isang meet-and-greet with her Pinoy fans.

Sa airport pa lamang sa Thailand noong pumunta si Wilbert para ayusin nga sana ang kontrata nila ay nagpakita na ng pagkainis si Mader Sitang nang malaman nito na walang dalang 20M Baht si Wilbert (na founder ng Mr. Gay World Philippines 2009 at president ng WEMSAP (Web Marketers Specialist Association of the Philippines, Inc. Isa rin siyang LGBTQ influencer.

Hindi ba naisip ni Mader Sitang na hindi naman puwedeng magbibit sa eroplano ng milyones na cash?

“Opo nga po e, hanggang ten thousand lang po,” wika ni Wilbert.

Twenty million pesos naman ang halaga ng mga produktong gawa na, na dapat sana ay ie-endorse ni Mader Sitang dito sa Pilipinas at sa Thailand tulad ng mga pabango at beauty products na ang balak ni Wilbert ay ipamigay na lamang.

“Okay na po yun, move on na po ako.”

Bilang manager/talent sana ay seventy percent ang kay Mader Sitang at 30 percent naman ay sa team at accommodations ng Thai transgender woman KAPAG may mga projects na siya, kaya ikinawindang ni Wilbert na humihingi na agad ito ng 20 million baht samantalang wala pa siyang naisasarang project para dito.

Ex-deal naman sana kung ipo-promote ni Mader Sitang ang mga negosyo ni Wilbert tulad ng The One 690 Entertainment Bar at ang H&H Makeover Salon. Walang 2M, 8M at lalong walang 20M na nakasaad sa kanilang kontrata.

“Wala po, depende sa kung ano’ng project ang makukuha ko sa kanya,” saad pa ni Wilbert.

Lesson learned kay Wilbert ang nangyari, na huwag basta magpapaniwala sa mga mababalitaan niya dahil baka nga fake news lamang ito, tulad ng nadiskubre niyang hindi naman pala tunay na lawyer sa sa Thailand si Mader Sitang!

Noong nasa Thailand si Wilbert at nagkakagulo na ay dun lang niya nalaman na hindi pala iyon totoo.

Hindi na raw inalam ni Wilbert kung ano ang tunay na estado sa buhay ng naturang Thai national.

Humingi naman daw ng sorry si Sitang kay Wilbert  pero binalewala na ito ni Wilbert dahil na-trauma na siya.

Pina-blacklist na raw niya si Sitang dito sa Pilpinas.

Naka-focus ngayon si Wilbert sa negosyo niyang online shopping site, ang UBC (Ultimate Brand Concept) kung saan makakabili ng iba’t-ibang produkto ni Wilbert tulad ng beauty products, accessories, gadgets, at kung anu-ano pa.

Mga local talents ang product endorsers niya tulad nina Sebastian Castro, Kevin Ballot, MM Madrigal, Kim Andaya — at si Wilbert mismo.

Balak niya rin kuning brand ambassadors ng UBC sina Ice (dating Aiza) Seguerra at Jake Cyrus.

18

Related posts

Leave a Comment