BEA NATAUHAN NA MAS MARAMI PANG DAPAT HARAPIN

(NI ASTER AMOYO)

SA presscon ng “Unbreakable” na pinagsasamahan nina Bea Alonzo, Angelica Panganiban at Richard Gutierrez na dinirek ni Mar Cruz-Alviar under Star Cinema, inamin ni Bea na nakapag-move on na umano siya sa controversial break-up nina ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson.

Na-realize umano ni Bea na mas marami pa siyang dapat harapin kesa mag-dwell sa break-up nil ani Gerald.

Nakatulong umano kay Bea ang kanyang pagiging busy sa trabaho para madali siyang makapag-move on, although inamin nito (Bea) na pahinga muna raw ang kanyang puso.

IT’S A REALLY BEAUTE’FUL BIRTHDAY CELEBRATION

Higit kumulang ay hindi bababa ng 1,000 guests (including celebrities) ang nagtipun-tipon sa ika-40th grand birthday celebration ng President/CEO ng Beautederm, Inc. na si Rhea Anicoche-Tan na ginanap sa Somerset Ballroom ng Royce Hotel & Casino in Clark, Angeles, Pampanga nung nakaraang Sabado ng gabi, November 23 na pinamagatang RheaRoyale: A Beaute’ful Birthday Celebration. Ito’y dinaluhan hindi lamang ng ilang local officials ng Pampanga kundi laluna ng mga resellers and distributors ng Beautederm maging ang halos lahat ng 42 brand ambassadors ng produkto na pinangunahan ng Face of Beautederm na si Sylvia Sanchez.

Hindi na nakarating sa birthday celebration ang brand ambassador ng Beautederm Home na si Marian Rivera dahil 4th birthday celebration din `yon ng panganay nila ni Dingdong Dantes na si Zia.  Pero dumating si Marian a day before sa seminar ng Beautederm na ginanap sa Clark Marriott Hotel kung saan ito nagbahagi ng mensahe sa mga dumalong resellers at advance birthday greetings sa lady boss ng Beautederm.  Naging guest speaker din during the seminar sina Chinky Tan at Pia Hontiveros (June 22) at ang dating mayor ng Tacloban, ang singer-actress na si Cristina `Kring-Kring’ Gonzales-Romualdez (June 23).  Kinakabihan ay isa namang engrandeng birthday celebration ang ginanap sa Royce Hotel & Casino na dinagsa rin sa mga kilalang celebrities na karamihan ay mga brand ambassadors mismo ng Beautederm.  Namataan namin doon ang buong pamilya ni Sylvia Sanchez kasama ang mister na si Art Atayde, ang mga anak na sina Arjo, Ria, Gela at Xavi Atayde, Lorna Tolentino na kasama ang panganay na anak na si Rap-Rap Fernandez, ang mag-asawang Tonton Gutierrez at Glydel Mercado with their two girls, ang couple na sina Rochelle Barrameda at Jimwell Stevens, Gabby Concepcion, Maricel Morales, ang magka-loveteam na sina Ken Chan at Rita Daniela, Pauline Mendoza, Kitkat Favia, Alma Concepcion, Jestoni Alarcon, Sanya Lopez, Ejay Falcon, Enchong Dy,  Shyr Valdez  at marami pang iba.  Sina Smokey Manaloto, Sherilyn Reyes at Maricel Morales naman ang magkakasamang nag-host sa birthday party ni Rhea.

Sa halip na si Rhea ang regaluhan ng mga bisitang dumalo dahil kaarawan niya ay siya pa ang nagpasabog ng maraming give-aways at bonggang pa-raffle.

Happy 40th birthday today (November 26), Rhea.

ANG TUWA NI PIOLO  SA ANAK NA INIGO

Natutuwa ang 42-year-old Kapamilya matinee idol na si Piolo Pascual na patuloy na gumagawa ng sariling pangalan at marka ang kanyang kaisa-isang anak na si Inigo Pascual (22) sa kanyang non-showbiz ex-girlfriend na si Donnabelle Lazaro.

Sa bagong song ni Inigo ay nakipag-collaborate siya sa creative director at choreographer ng international Fil-Am hitmaker na si Bruno Mars na si Phil Tayag sa music video ng song na “Catching Feelings”.

Samantala, natatandaan pa namin ang sinabi noon ni Piolo na mag-aasawa umano siya nagdating niya ng 40 o di kaya bago mag-18 ang kanyang anak na si Inigo.  Forty two na ngayon si Piolo at magpu-43 on January 12, 2020 habang 22 naman si Inigo.

Ang pag-aasawa ni Piolo ay isa rin sa inaabangan ng publiko.

***

Alam ba ninyo na as early as 2014 ay gusto na umanong mag-propose ng triathlete singer-actor at entrepreneur na si Matteo Guidicelli  ang kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo?  Pero kailangan daw niyang mag-ipon ng pambili ng engagement ring ng kanyang kasintahan kaya nung isang taon lamang siya finally nag-propose pero nitong nakaraang November 7 lamang niya ipinaalam sa publiko at sa netizens.

Ayaw pang i-share ng engaged couple na sina Matteo at Sarah kung kelan at saan sila na-engaged at kung kelan nila planong magpakasal.

Hula namin na sa Italy nangyari ang engagement ng dalawa nang magbakasyon ang dalawa sa hometown ng ama ni Matteo sa Italy nung isang taon pero ayaw pa itong kumpirmahin ng engaged couple lalupa’t may dalawa pa silang hiwalay na major projects – si Matteo sa filming ng kanyang launching movie sa bakruan ng Viva Films at Epik Studios, ang “Penduko” at si Sarah naman sa kanilang back-to-back concert ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez on February 14 & 15, 2020 sa Big Dome.  After this ay saka lamang marahil haharapin ng dalawa ang tungkol sa kanilang kasal which will happen in 2020.

SYLVIA WA KEBER SA BASHING

Wala nang keber ang “Pamilya Ko” star na si Sylvia Sanchez kung ma-bash man siya ulit sa pag-post niya ng dinner (sa Podium)  ng kanyang pamilya with Maine Mendoza na girlfriend ng kanyang anak na si Arjo Atayde about two Sundays ago.

Ang mahalaga kay Sylvia ngayon ay masaya ang kanyang pamilya at masaya ang anak niyang si Arjo at girlfriend nitong si Maine.

Successful din si Sylvia bilang entrepreneur dahil magbubukas early next year ang kanyang ikatlong branch ng Sylvia Sanchez by Beautederm sa SM – Butuan, ang hometown mismo ng aktres.

 

 

183

Related posts

Leave a Comment