BIANCA MANALO, ‘POLITICIAN HUNTER’?

LOURDES C. FABIAN(NI LOURDES C. FABIAN)

PINAG-UUSAPAN sa social media ang Kapamilya actress na si Bianca Manalo na nakitang nagsa-shopping sa Hong Kong kasama si Senator Sherwin Gatchalian.

Dahil dito, binansagan siyang “politician hunter.” Kasi naman, kung matatandaan, ang ex-boyfriend ni Bianca ay isa ring politician, si Antique Mayor Jonathan Tan. Last year, umugong ang relasyon nina Bianca at nasabing mayor nang masangkot sila sa isang boat accident with actress Ehra Madrigal.

Pero hindi rin nagtagal at nabalitang nagkahiwalay rin ang dalawa.

Then, photos of Bianca with Sen. Win circulated on social media ilang buwan matapos siyang makipag-hiwalay kay Mayor. Nabalita noon na nagkaroon ng relasyon ang kilalang politiko kay Pauleen Luna at na-link din siya sa Kapamilya actress na si Bela Padilla.

Kaya naman iisa ang tanong ngayon ng netizens: Sina Bianca at Sen. Win na ngayon ang constant date o nagkita lang sila sa Hong Kong?

Well, tanging sina Bianca at Sen. Win lang ang makapagsasabi what’s the real score between them.

335

Related posts

Leave a Comment