MAINIT na pinag-uusapan ang paglayas ni James Reid sa Viva Films, at ang inyong columnist dito sa pahayagang ito ang unang nagsiwalat ng balitang wala ng kontrata si James kay Boss Vic del Rosario, kaya pwedeng-pwede talagang umeskapo ang hunky singer-actor (James) sa kanyang mother outfit anytime that he wants.
Pero sa kabila ng maayos naman daw na pag-uusap sa pagitan ni James kasama ng daddy niya na si Mr. Robert Malcolm Reid at ni Boss Vic ay isa-isa nang naglalabasan ang black propaganda laban kay James na pinakakalat siyempre ng mga kampi sa Viva.
Na kesyo maarte, choosy, tamad at may attitude (unprofessional) daw sa kanyang trabaho ang live-in partner ni Nadine Lustre.
Well, isa raw sa matinding rason kung bakit nagdesisyon itong si James na ang ama na ang mag-manage sa kanyang career ay dahil ayaw na nitong umarte sa isang sexy-drama movie na pagtatambalan sana nila ni Lovie Poe kasama si Tony Labrusca dahil ayaw nitong gawin ‘yung isang eksena kung saan ay may butt exposure daw ito.
Si Marco Gumabao ang pumalit sa role na inayawan ni James.
Ano kaya ang isasagot ng mga taga-Viva rito?
245