AFTER i-bash siya ng mga trolls at anti-Maine (dahil mga solid Alden Richards sila), may isyu na naman ang mga hunghang na kesyo nawawalan na raw ito ng trabaho mula nang pinili niya si Arjo Atayde over Alden Richards (dahil in real life, there is no Alden sa buhay pag-ibig ng dalaga. Uulitin ko, never na nanligaw si Alden sa kanya).
Maging ang original rate niya raw sa mga ginagawang TV commercials ay nabawasan na mula nang ma-link ang pangalan niya kay Arjo. Wow na wow ha?
I doubt this dahil Maine Mendoza is Maine Mendoza.
Kahit wala na ang loveteam nila ni Alden at hayagan na ang relasyon nila ni Arjo, wala pa ring nagbabago sa pasok ng income ng dalaga.
Pabirong statement ng manager ng dalaga na si Rams David ng Triple A Talent Management: “Ang galungong nga tumataas, bakit ako magbababa ng presyo?”
I pity the bashers. So kawawa at desperado na.
Pero si Maine, matapang na. She’s brave enough to face such intriga.
Para sa kaalaman ng lahat, isang law-abiding citizen si Maine dahil she pays her taxes na walang pandaraya.
Sa dami ng product endorsements ng dalaga, the more income she earns. The more taxes din ang binabayaran niya sa BIR na pwedeng ipagtanong ng mga hunghang.
Sa usaping lovelife, going strong sila ni Arjo na recently ay nag-vacay sa Bali, Indonesia with friends.
***
Timing lang ang pagkapili kay Sharon Cuneta para maging bida sa horror film ng Reality Entertainment na Kuwaresma na palabas na sa May 15.
Sa trailer na napapanood ko online, may takot. Tipikal horror na siguradong magugustuhan ko as a horror movie addict. Sa Baguio City ang setting at isang lumang tipikal na bungalow nakatira ang mga bida. Nakakadagdag ang ambience sa nakakatakot na mga eksena. Si Sharon, addict din siya sa mga horror films, na napapanood niya sa mga online sources.
Ako, kahit katsipan na zombie movies, pinapatulan ko. What more ang mga pelikulang foreign with the likes of The Exorcist (my first horror film na dinaya ko pa ang edad ko to be allowed entry sa movie house), Incubus, mga demon possessions, kahit sina Chucky at Annabelle na nae-enjoy ko at ang Doctor Sleep ng pamosong nobelista na si Stephen King, at kung anu-ano pa.
Lahat ‘yan, pasok sa mga gusto ko – na for sure, hindi rin pinapalampas ni Sharon.
165