NANG nasangkot si Jim Paredes sa video scandal kung saan may pinaglalaruan sa video na parang may ka-sex chat siya, isa ako sa nagbigay ng opinyon na sana unawain na lang siya at huwag nang paglaruan o alipustain pa.
Naranasan ko ring inalipusta nang bonggang-bongga dahil sa MFF scam.
Kung may social media pa noon, mas grabe pa siguro ang inabot ko di ba?
Ngayon itong kay Jim Paredes, medyo nakalilimutan na ng mga tao ang sex video scandal niya.
Balik-alipusta na naman siya at isa sa pinagtripan na naman niya si Sen. Bong Revilla.
Kinuwestiyon niya ang GMA 7 na kinuha raw uli si Sen. Bong para bigyan ng programa.
Ang sabi niya, gusto raw ba ng GMA-7 na gawing role model si Bong ng mga kabataan.
Ah kaya pala ang daming kabataang may mga sex video dahil siya siguro ang role model nun?
“SANA BIGYAN NANG PAGKATAON ANG NADAPA NA MAKABANGON”
Pati ang isang bill na ipinapanukala ni Sen. Bong tungkol sa agahan ang pagbibigay ng mga benefits sa senior citizen ay may pagka-sarcastic pa ang komento niya.
Ang punto ko lang naman sana dito, kagaya niya na nagkamali, sinasabi ko naman noon na sana bigyan siya ng pagkakataong makabalik at tanggapin pa ng lipunan.
Itong kay Bong, sinasabi ko namang sana magbigay naman tayo ng chance sa mga taong gustong bumangon sa pagkadapa.
Kagaya ng ginagawa ngayon ni Bong na talagang nagtatrabaho siya nang maayos sa Senado at pinupursige niyang maipasa itong batas na ito, tapos may pagkainsulto pa raw ang komento niya, na para naman ito sa mga senior citizen kagaya niya.
Eh kung buweltahan kaya siya na sa edad niyang iyan nagkakaroon pa ng sex scandal? ‘Di ba masakit din iyon para sa kanya?
Huwag naman sana masayadong political at faultfinder itong si Jim Paredes, dahil kapag may tinitira siya, nababalik-balikan yung sex scandal na kinasasangkutan niya.
499