DAUGHTER NI JIM PAREDES, PAHINGA MUNA SA ‘TOXIC SOCIAL MEDIA’

ericaparedes12

SA gitna ng kinasasangkutang kontrobersiya ng kanyang amang si Jim Paredes, napagdesisyunan ni Erica Paredes na magpahinga muna sa social media.

Ito’y matapos umamin ang ama niya na siya ang nasa viral video na nagpapakitang may ginagawang mahalay. Sa sunud-sunod na posts sa kanyang Instagram Stories, sinabi ni Erica na magbi-break muna siya dahil sa “too much toxic energy” sa social media nitong mga nakaraang araw, at “it’s not as fun as it used to be.”

Nag-iwan siya ng mensahe sa kanyang followers: “See y’all soon! Friends, you can still DM me. In the meantime, be nice. Mind ya business. Post things that will actually benefit society. Check on your loved ones often.”

Nagpasalamat din siya sa mga nagpaabot ng suporta.

150

Related posts

Leave a Comment